1
|
kilo
|
ube
|
1
|
lata
|
gatas evaporada
|
2
|
lata
|
gatas condensada
|
½
|
tasa
|
mantikilya
|
½
|
kutsarita
|
vanilla
|
- Pakuluan sa tubig ang may balat pang ube ng 30 minuto. Isalin at palamigin.
- Balatan at kudkurin ng pino.
- Painitan ang kawa sa katamtamang init ng apoy.
- Tunawin ang mantikilya, idagdag ang gatas condensada at vanilla. Haluing mabuti.
- Idagdag ang kinudkud na ube.
- Hinaan ang apoy.
- Ipagpatuloy ang paghahalo ng 30 minuto o hanggang sa lumapot at medyo nanunuyo na.
- Idagdag ang gatas evaporada at ipagpatuloy ang paghahalo ng 15 minuto ng hindi manikit sa kawa.
- Palamigin at isalin sa maliking bandehado o hulmahan.
- Palamigin sa refrigerator bago ihain.
- Maaring pahiran ng mantikilya o margarina ang ibabaw ng halaya bago ihain.
- Kung gustong mas tumamis, maaring budburan ng asukal ang ibabaw ng halaya makaraang isalin ito sa bendehado o hulmahan habang mainit-init pa.
- Sa halip na kudkurin, putul-putulin ng parisukat ang ube at i-blender, mas magiging pino ang pagkadurog nito.