Pagluluto:Tripe Ala Mode Caen

Sangkap

baguhin
1 ¼ tasa olive oil
1 ¼ tasa tinadtad na bawang
1 tasa tinadtad na sibuyas
½ kilo kamatis ( banlian, balatan, tanggalan ng buto at hiwaing pakuwadrado)
¼ tasa tomato paste
½ tasa white wine
1 tasa sabaw ng baka
1 dahon laurel
2 piraso siling haba, tinadtad
1 kutsara tinadtad na sariwang basil
1 kutsara tinadtad na sariwang oregano
1 kutsara asukal
½ kutsarita asin
½ kutsarita paminta
1 kilo goto (nilinis, pinalambot at hiniwang pakuwadrado)

Paraan ng pagluto

baguhin
  1. Painitin ang mantika at igisa ang bawang at sibuyas.
  2. Ihalo ang kamatis at lutuin ng ilang minuto.
  3. Isama ang tomato paste.
  4. Lutuin ng 2 minuto.
  5. Ihalo ang white wine, sabaw, laurel, sili, basil, oregano, asukal, asin at paminta.
  6. Isama ang gotong pinalambot.
  7. Lutuin sa mahinang apoy ng 10 minuto.