Pagluluto:Tomato Florentine
Sangkap
baguhin10 | piraso | malalaking kamatis |
1 | kilo | spinach, inalisan ng tangkay |
2 | kutsara | mantikilya |
1 | tasa | tinadtad na sibuyas |
¼ | kutsarita | asin |
¼ | kutsarita | paminta |
Paraan ng pagluto
baguhin- Putulin ang ibabaw ng mga kamatis.
- Alisin ang laman nito ng hindi sinisira ang labas.
- Pahiran ng kaunting mantikilya ang isang 13 x 9-inch na rectangular pan.
- Iayos dito ang mga kamatis.
- Hugasan ang mga dahon ng spinach at banlian sa inasnang tubig.
- Hanguin at ihulog sa malamig na tubig.
- Patuluin at pigain para matanggal ang sobrang tubig.
- Tadtarin.
- Painitin ang mantikilya at igisa ang sibuyas.
- Isama ang spinach at timplahan.
- Lutuin ng 2-3 minuto.
- Ipalaman ito sa mga kamatis.
- Takpan ng aluminum foil at isalang sa oven ng mga 10 minuto.
- Kung mayroong tirang palaman, gilingin ito sa blender o food processor bago itabi sa freezer.