Pagluluto:Tokwa Sarciado

Sangkap

baguhin
4 bloke tokwa (pinag-apat ang bawa't isa)
2 butil bawang dinikdik
1 piraso malaking sibuyas, ginayat
1 tasa berdeng sibuyas, ginayat na pino
2 piraso kamatis, tinadtad
2 kutsara gawgaw
3 kutsara asukal
2 kutsara katas ng kalamansi

Paraan ng pagluto

baguhin
  1. Iprito ang tokwa hanggang sa pumula.
  2. Igisa ang bawang, sibuyas at kamatis.
  3. Lagyan ng asin para lumasa.
  4. Lagyan ng kaunting tubig, at asukal para tumamis.
  5. Idagdag ang katas ng kalamansi, at saka ihalo ang piniritong tokwa.
  6. Pagkulo, ibuhos ang gawgaw. Haluing mabilis. Palamutihan ng dahon ng berdeng sibuyas.