Pagluluto:Tokwa Croquettes

Sangkap

baguhin
¼ tasa tinadtad na sibuyas
2 kutsara margarine
2 kutsara harina
½ tasa gatas
2 ½ tasa tokwang tinadtad na pino
1 piraso itlog na bahagyang binati
½ tasa niyadyad na keso
½ kutsarita asin

Paraan ng pagluto

baguhin
  1. Lutuin ang sibuyas sa margarine hanggang lumambot, ihalo sa harina.
  2. Idagdag ang gatas, lutuin at haluin hanggang sa ito'y lumapot.
  3. Idagdag ang natitirang mga sangkap.
  4. Palamigin sa loob ng refrigerator ng ilang oras.
  5. Ikortehang bilog na lapad.
  6. Pagulungin sa dinikdik na tinapay.
  7. Prituhin hanggang mamula sa mainit na mantika.