Pagluluto:Tinolang Manok
Sangkap
baguhin1 | kilo | manok, hiniwa sa maliit na piraso |
3 | kutsara | mantika |
4 | kutsarita | dinikdik na bawang |
2 | kutsara | ginayat na luya |
½ | tasa | tinadtad na sibuyas |
2 | kutsara | patis |
4 | tasa | hugas-bigas |
2 | tasa | hiniwang berdeng papaya o sayote |
½ | tasa | dahon ng sili |
Paraan ng pagluto
baguhin- Sa isang kaserola, painitin ang mantika at igisa ang bawang, luya at sibuyas.
- Idagdag ang manok at patis.
- Timplahan ayon sa panlasa.
- Ibuhos ang hugas-bigas at takpan ang kaserola.
- Hayaang kumulo at lumambot ang manok.
- Idagdag ang papaya o sayote at lutuin hanggang lumambot.
- Bago patayin ang apoy ay isama ang dahon ng sili.