Pagluluto:Tinapang Bangus

Sangkap

baguhin
2 katamtamang laki bangus, nilinis
4 kutsarita asin
2 kutsara katas ng kalamansi
1 piraso tea bag
2 kutsara bigas
2 kutsara asukal na pula
1 tasa mantika

Paraan ng pagluto

baguhin
  1. Hiwain sa likod o pandaing ang bangus.
  2. Huwag kaliskisan ang isda.
  3. Asinan at pahiran ng kalamansi.
  4. Pasingawan ng 20 minuto o hanggang maluto.
  5. Palamigin.
  6. Maghanda ng malaking kaserola.
  7. Sapinan ang ilalim ng aluminum foil.
  8. Ilagay ang tsaa na laman ng tea bag, bigas at asukal.
  9. Maglagay ng rack o butas-butas na patungan.
  10. Iayos dito ang bangus.
  11. Takpan ang kaserola.
  12. Isalang ng 10 minuto o hanggang mag-amoy at magkulay ang isda.
  13. Pahiran ng kaunting mantika ang balat ng isda para makintab.