Pagluluto:Tausi Chicken Feet
Sangkap
baguhin1 | kilo | paa ng manok, nilinis |
1 | pakete | kahel o dilaw na food color |
½ | tasa | mantikang pamprito |
1 | kutsara | dinikdik na bawang |
1 | kutsarita | tinadtad na luya |
3 | kutsara | tausi, dinurog |
2 | kutsara | toyo |
2 | piraso | siling labuyo, hiniwa |
2 | tasa | tubig |
1 | bahagi | sanque |
1 | kutsara | sesame oil |
Paraan ng pagluto
baguhin- Hatiing pahilis ang mga paa ng manok.
- Ilagay sa mangkok at haluan ng kaunting food color.
- Itabi pansamantala.
- Magpainit ng mantika sa kawali.
- Ipritoang mga paa ng manok hanggang lumutong.
- Patuluin.
- Bawasan ang mantika.
- Sa natitirang mantika, igisa ang bawang, luya, tausi. toyo at siling labuyo.
- Idagdag ang tubig at sanque.
- Hayaang kumulo-kulo ng 5 minuto.
- ldagdag ang paa ng manok at sesame oil.
- Takpan ang kawali at lutuin hanggang lumambot ang manok at lumapot ang sarsa.
- Maaari din itong pasingawan sa steamer hanggang lumambot.