3 |
tasa |
utaw o soybeans
|
6 |
tasa |
tubig
|
7 |
tasa |
tubig
|
2 |
piraso |
puting gulaman
|
3 |
tasa |
asukal
|
3 |
tasa |
tubig
|
2 |
tasa |
lutong sago
|
- Hugasan ang soybeans o utaw at ibabad magdamag sa tubig na tatlong beses ang dami.
- Palitan ang tubig at balatan ang soybeans.
- Sa mangkok, ilagay ang soybeans at samahan ng 6 na tasa ng tubig.
- Gilingin hanggang pino.
- Pakuluin ang 7 tasa ng tubig.
- Isama ang gulaman at hayaang matunaw.
- Ibuhos ang giniling na soybeans.
- Lutuin sa katamtamang apoy habang tuloy-tuloy na hinahalo.
- Pagkulo ay orasan nang 7 minuto.
- Salain sa katsa para makuha ang malagatas na sabaw.
- Isalin sa hulmahan.
- Arnibalin ang asukal.
- Ibuhos ang tubig at lutuin hanggang matunaw nang husto ang asukal. # Ihain ang taho na may kaunting arnibal at sago.