Pagluluto:Szechwan Chicken Breasts
Sangkap
baguhin1 | kutsara | tinadtad na luya |
2 | kutsara | honey |
¼ | tasa | tinadtad na leeks |
¼ | tasa | toyo |
1 | kutsara | dinurog na pamintang buo |
1 | kutsara | asin |
10 | piraso | pitso ng manok (tanggalin ang balat at buto at hatiin sa dalawa) |
3 | tasa | mantika pamprito |
Paraan ng paghalo
baguhin- Sa isang mangkok, paghaluin ang luya, honey, leeks, toyo, paminta at asin.
- Ibabad dito ang pitso ng manok.
- Takpan at itabi ng magdamag sa repridyerator.
- Ihawin o prituhin sa mantika.