Pagluluto:Swiss Steak

Sangkap

baguhin
½ kilo baka, hiniwang steak
½ tasa harina
1 kutsarita asin
2 butil bawang, dinikdik
1 tasa tinadtad na sibuyas
1 piraso dahon ng laurel
½ tasa margarine
1 ½ tasa lemon-lime na inumin
2 kutsara ketchup
2 tasa kinudradong patatas, pinirito
¼ tasa tubig

Paraan ng pagluto

baguhin
  1. Palambutin ang baka at hiwain ng tig-1 pulgada.
  2. Paghaluin ang harina at asin. Pagulungin ang baka doon.
  3. Gawing mapula-pula sa magkabilang panig ang steak sa tinunaw na margarine.
  4. Itabi muna.
  5. Igisa ang bawang at sibuyas.
  6. Idagdag ang natitirang mga sangkap kasama ng natirang pinaghalong harina at asin.
  7. Lutuin hanggang lumapot.
  8. Ibuhos sa ibabaw ng baka bago ihain.