Pagluluto:Suman sa Lihiya
2 ½ |
tasa |
bigas na malagkit
|
2 |
kutsarita |
lihiya
|
3 |
tasa |
gata
|
½ |
tasa |
galapong
|
½ |
tasa |
gata
|
1 ½ |
tasa |
asukal na pula o panutsa
|
2 |
tasa |
sapal
|
1 |
tasa |
asukal
|
- Hugasan ng tatlong beses ang malagkit.
- Ibabad nang 20 minuto sa tubig at saka patuluin.
- Ihalo ang lihiya.
- Ibalot sa nilantang dahon ng saging at itali ng pares-pares.
- Sa malaking kaserola, maglagay ng mga dahon ng saging.
- Iayos ang mga suman.
- Pabigatan nang hindi lumutang ang mga suman at saka punuin ng tubig hanggang lumubog.
- Isalang ng 45 minuto hanggang 1 oras.
- Ibuhos ang gata sa kaserola.
- Pakuluan nang 10 minuto ng hindi hinahalo.
- Tunawin ang galapong sa natitirang gata.
- Isama sa kumukulong gata.
- Timplahan ng asukal o panutsa at lutuin hanggang lumapot.
- Ilagay ang sapal at asukal sa kawali.
- Lutuin sa katamtamang apoy hanggang matusta habang tuloy-tuloy nahinahalo.
- Ihain ang suman na pinaibabawan ng sawsawan at budbod.