Pagluluto:Strawberry Shortcake

Sangkap

baguhin
2 tasa arina
1 kutsara baking powder
1 kutsarita asin
2 kutsara asukal
¼ tasa shortening
2 kutsara shortening
tasa gatas
tasa tubig

Topping

baguhin
½ tasa malamig na cream
2 kutsara confectioners' sugar
¼ kilo sariwang strawberry, hinugasan at hinati sa dalawa

Paraan ng pagluto

baguhin
  1. Painitin ang oven sa 450°F.
  2. Sa isang mangkok, pagsamahin ang arina, baking powder, asin at asukal.
  3. Ihalo ang shortening at haluin hanggang magbutil-butil ang arina.
  4. Magdagdag ng sapat na gatas para mabuo ang masa.
  5. Kapag nagkulang ang gatas ay dagdagan ng tubig hanggang makabuo ng masa.
  6. Masahin ng ilang beses hanggang kuminis at pagkatapos ay itabing nakatakip ng ilang minuto.
  7. Panipisin sa pamamagitan ng rolling pin sa nipis na ½".
  8. Putulin sa dalawang magsinglaking bahagi.
  9. Ilipat sa baking sheet at isalang sa oven hanggang maluto, mga 15-20 minuto.
  10. Palamigin.
  11. Batihin ang malamig na cream hanggang lumapot.
  12. Isama ang asukal.
  13. Ilagay ang isang layer ng shortcake sa tray o base.
  14. Pahiran ng kalahati ng binating cream.
  15. Paibabawan ng strawberries.
  16. Takpan ng isa pang layer ng shortcake.
  17. Pahiran ng nalalabing cream at palamutian ng mga strawberry.
  18. Palamigin bago ihain.