Pagluluto:Steak Salisbury
Sangkap
baguhin1 ½ | kilo | giniling na baka |
2 | piraso | itlog, binati |
4 | hiwa | hamon, tinadtad |
1 | tasa | breadcrumbs |
1 | tasa | tinadtad na sibuyas na mura |
1 | tasa | tinadtad na parsley |
½ | tasa | ginadgad na keso |
2 | lata | condensed cream of mushroom soup |
⅔ | tasa | tubig |
½ | kutsarita | asin |
½ | kutsarita | paminta pantimpla |
Paraan ng pagluto
baguhin- Sa isang mangkok, pagsamahin ang giniling na baka, itlog, hamon, breadcrumbs, sibuyas na mura, parsley, keso, at ½ tasang mushroom soup.
- Haluin ng maigi.
- Kortehing maliliit na loaf o mga bilog na patties.
- Iayos sa isang baking pan.
- Lutuin sa oven sa init na 350°F ng 30-40 minuto.
- Ihalo ang tubig sa natitirang soup.
- Ibuhos sa baking pan.
- Lutuin pa ng mga 10 minuto.