Pagluluto:Sopas na Makaroni
Sangkap
baguhin1 ½ | tasa | shell macaroni |
1 | kutsara | mantika |
2 | butil | bawang, tinadtad |
½ | piraso | sibuyas, tinadtad |
½ | tasa | hinimay na nilagang manok |
2 | kutsara | patis pantimpla |
6 | tasa | sabaw ng manok |
Paraan ng pagluto
baguhin- Painitin ang mantika sa kaserola.
- Igisa ang bawang at sibuyas,
- Isama ang manok o karne.
- Timplahan ng patis.
- Ibuhos ang sabaw at hayaang kumulo.
- Ilagay ang macaroni.
- Lutuin hanggang lumambot ng hindi natutuyuan.
- Kung kinakailangan ay magdagdag ng tubig o sabaw.