Pagluluto:Sopa de Ajo
Sangkap
baguhin8 | tasa | beef consomme |
2 | hiwa | French bread, hiniwang pakuwadrado |
1 | kutsara | olive oil |
1 | tasa | tinadtad na bawang |
½ | kutsarita | Spanish paprika |
¼ | kutsarita | asin |
¼ | kutsarita | paminta |
6 | pula ng itlog |
Paraan ng pagluto
baguhin- Pakuluin ang consomme at ihalo ang French bread.
- Batihing maigi ng wire whisk para lumapot.
- Sa isang kawali, igisa ang bawang sa olive oil hanggang pumula.
- Ihalo sa consomme.
- Timplahan ng paprika, asin at paminta.
- Magsalin ng mainit na sabaw sa mga ovenproof na mangkok.
- Maghulog ng isang pula ng itlog sa bawat mangkok.
- Isalang sa mainit na oven ng 3 minuto.
- Ihain kaagad.