Pagluluto:Sisig
Sangkap
baguhin2 | kilo | ulo ng baboy |
2 | kutsara | mantika |
2 | kutsara | tinadtad na bawang |
½ | tasa | tinadtad na sibuyas |
¼ | tasa | tinadtad na siling labuyo |
¼ | tasa | tinadtad na inihaw na atay |
½ | kutsarita | patis pantimpla |
1 | tasa | sukang puti |
1 | kutsara | liquid seasoning |
½ | piraso | pork bouillon cube |
1 | kutsarita | dinurog na paminta |
1 | tasa | tubig |
1 | piraso | itlog |
Paraan ng pagluto
baguhin- Ihawin ang ulo ng baboy para matanggal ang mga balahibo.
- Pakuluan ito hanggang sa lumambot.
- Tadtarin ang laman.
- Sa kawali, painitin ang mantika at igisa ang bawang, sibuyas, sili, laman ng baboy at atay.
- Timplahan ng patis, suka, liquid seasoning, bouillon at paminta.
- Ibuhos ang tubig.
- Pakuluin at hayaang lumambot ng husto ang baboy.
- Ihain sa pinainit na sizzling plate.
- Lagyan ng hilaw na itlog at ihalo.