Pagluluto:Sinigang na Hipon
Sangkap
baguhin2 | tasa | hugas-bigas o tubig |
15 | piraso | kamyas |
1 | piraso | sibuyas, hiniwa |
1 | piraso | kamatis, hiniwa |
2 | piraso | labanos, inapat ang hiwa |
½ | kilo | hipon |
1 | tali | kangkong, hiniwang 2" ang haba |
2 | piraso | siling haba |
¼ | kutsarita | asin |
¼ | kutsarita | paminta |
Paraan ng pagluto
baguhin- Ilagay ang isang tasang hugas-bigas sa kaserola kasama ng kamyas.
- Lutuin hanggang lumambot at pagkatapos ay ligisin.
- Idagdag ang sibuyas, kamatis at natitirang hugas-bigas.
- Pakuluin at saka isama ang labanos.
- Idagdag ang hipon, kangkong at siling haba.
- Hayaang maluto nang husto.
- Timplahan ng asin at paminta ayon sa panlasa.