Pagluluto:Sinigang na Baka
Sangkap
baguhin10 | piraso | sampalok |
1 | kilo | tadyang ng baka, hiniwa sa katamtamang laki |
5 | tasa | tubig |
4 | piraso | kamatis, hiniwa |
1 | piraso | sibuyas, hiniwa |
3 | piraso | gabi, tinalupan at hinati |
1 | tali | sitaw, hiniwang 2" ang haba |
1 | tali | kangkong, hiniwang 2" ang haba |
¼ | kutsarita | asin |
¼ | kutsarita | paminta |
Paraan ng pagluto
baguhin- Sa kaunting tubig, palambutin ang sampalok.
- Ligisin at salain para makuha ang katas.
- Sa kaserola, palambutin ang baka sa tubig.
- Idagdag ang kamatis, sibuyas at katas ng sampalok.
- Isama ang gabi.
- Kapag bahagyang lumambot ay idagdag ang sitaw at tangkay ng kangkong.
- Timplahan ayon sa panlasa.
- Huling idagdag ang mga dahon ng kangkong.