Pagluluto:Sinangag
Sangkap
baguhin6 | tasa | kanin (mas mainam na gamitin ang bahaw o kaning lamig para sa lutuing ito) |
1 | ulo | bawang, pinitpit nang maigi |
½ | tasa | scrambled egg, hiniwa nang maliliit |
½ | tasa | mantika |
½ | tasa | longganisa, hamon, o bacon, hiniwa nang maliliit |
1 | lata | green peas |
½ | kutsarita | asin |
Paraan ng pagluto
baguhin- Sa isang kawali, magpainit ng mantika.
- Igisa ang bawang hanggang pumula.
- Idagdag ang kanin.
- Timplahan ng asin ang sinangag nang naayon sa panlasa.
- Kapag luto na ang kanin, idagdag ang scrambled egg at karne.
- Haluing mabuti upang hindi magdikitdikit ang kanin.
- Masarap na iulam ang ano mang pinirito sa sinangag na kanin.