Pagluluto:Shrimp Creole

Sangkap

baguhin
1 ½ tasa hipon, binalatan
½ kutsarita asin
½ kutsarita paminta pantimpla
2 kutsara katas ng lemon
¼ tasa olive oil
1 tasa tinadtad na sibuyas
1 tasa tinadtad na celery
1 kilo kamatis (banlian, balatan, tanggalan ng buto at tadtarin)
1 tasa dry white wine
2 kutsara suka
1 kutsara asukal
2 kutsara cornstarch, tinunaw sa kaunting tubig
1 tasa hiniwang siling berde

Paraan ng pagluto

baguhin
  1. Timplahan ang hipon ng asin, paminto at katas ng lemon.
  2. Painitin ang mantika at lutuin ang hipon hanggang magpalit ng kulay.
  3. Itabi sa pinggan.
  4. Sa natitirang mantika, igisa ang sibuyas at celery hanggang lumambot.
  5. Ihalo ang kamatis at lutuin ng 3 minuto.
  6. Isama ang white wine, suka at asukal.
  7. Lutuin sa mahinang apoy ng 10 minuto.
  8. Palaputin ng tinunaw na cornstarch.
  9. Isama ang hipon at siling berde.
  10. Lutuin pa ng ilang minuto hanggang uminit.