Pagluluto:Sauteed Cabbage

Sangkap

baguhin
½ kilo repolyo
2 kutsara mantika
1 tasa hiniwang sibuyas
1 tasa hiniwang hipon
½ kutsarita asin
½ kutsarita paminta

Paraan ng pagluto

baguhin
  1. Tanggalin ang matigas na bahagi ng repolyo bago ito hiwaing pakuwadrado.
  2. Hugasan at patuluin.
  3. Sa kawali, painitin ang mantika at igisa ang sibuyas ng isang minuto.
  4. Ihalo ang hipon, asin at paminta.
  5. Lutuin ng 2 minuto.
  6. Isama ang repolyo.
  7. Lutuin pa ng 3-5 minuto.