Pagluluto:Sapin-sapin
Sangkap
baguhin2 | tasa | bigas (malagkit na klase) |
2 | tasa | tubig |
2 ½ | tasa | puting asukal |
3 | tasa | lutong ube (dinurog) |
4 | tasa | gata ng niyog (galing sa 3 niyog) |
2 | malaking lata | gatas kondensada |
½ | kutsarita | food coloring na ube |
½ | kutsarita | food coloring na dilaw |
¼ | tasa | mantikilya |
½ | tasa | keso |
Paraan ng pagluto
baguhin- Ibabad ang bigas sa tubig ng magdamag.
- Salain ang bigas at iwan ang tubig o sabaw.
- Sa isang blender, gilingin ang bigas ng pinong pino at magdagdag ng kaunting sabaw ng bigas para hindi manuyo.
- Ibuhos sa isang container o garapon at iwan ng ilang oras o magdamag.
- Paghalu-haluin lahat ng sangkap maliban sa dinurog na ube at food coloring.
- Hatiin ito sa 3 bahagi.
- Para sa unang bahagi ng batter, ilagay ang dinurog na ube. Lagyan ito ng food coloring na kulay ube. Haluin ng mabuti.
- Para sa ikalawang bahagi ng batter, lagyan ng dilaw na food coloring at haluin ng mabuti.
- Para sa huling bahagi ng batter, walang ihahalo at purong puti lamang.
- Lagyan ng mantikilya ang bilugang kaserola. Ipatong dito ng maayos ang dahon ng saging at lagyan din ito ng mantikilya.
- Ibuhos ito ang unang bahagi o yung ube. Ikalat ng maayos. Budburan ng keso ang ibabaw. Takpan at pasingawan ito ng 30 minuto.
- Ibuhos sa ibabaw ang ikalawang bahagi o yung dilaw. Ikalat ng maayos. Budburan ng keso ang ibabaw. Takpan at pasingawan ito ng 30 minuto.
- Ibuhos sa ibabaw ang huling bahagi o yung puti. Ikalat ng maayos. Budburan ng keso ang ibabaw. Takpan at pasingawan ito ng 30 minuto.
- Alisin sa kawali at salain upang maalis ang sobrang mantika bago ihandang kainin.
- Maari rin lagyan ng budbod (toasted sweetend coconut).