Pagluluto:Salad Nicoise

Sangkap

baguhin
2 tasa hiniwang pakuwadradong patatas
2 tasa hiniwang abitsuelas
½ tasa suka
1 kutsarita katas ng lemon
½ kutsarita asin
½ kutsarita paminta
1 kutsarita asukal
¼ kutsarita dry mustard
1 butil bawang, tinadtad
¼ tasa olive oil
1 tasa tinadtad na sibuyas
2 piraso malalaking kamatis, inapat
1 tasa tuna chunks
1 ulo dahon ng letsugas
10 piraso itim na olives
10 piraso berdeng olives
10 piraso anchovy fillets

Paraan ng pagluto

baguhin
  1. Ilaga ang patatas hanggang lumambot.
  2. Banlian ang abitsuelas hanggang bahagyang maluto at pagkatapos ay ilubog sa malamig na tubig.
  3. Patuluin.
  4. Ihanda ang French Dressing: Sa isang mangkok, pagsamahin ang suka, katas ng lemon, asin, paminta, asukal, mustard at bawang.
  5. Batihing maigi.
  6. Ihalo ang olive oil.
  7. Sa isang mangkok, pagsamahin ang mga patatas, abitsuelas, sibuyas, kamatis at tuna.
  8. Ihalo ang French dressing.
  9. Mag-ayos ng kaunting dahon ng letsugas sa isang salad bowl.
  10. Ilagay dito ang hinalong salad.
  11. Palamutian ng olives at anchovy.
  12. Palamigin bago ihain.