Pagluluto:Repolyo Guisado
Sangkap
baguhin1 | ulo | repolyo, ginayat (hiwain ng manipis at mahaba) |
2 | kutsara | mantika |
3 | butil | bawang, tinadtad |
½ | tasa | hiniwang sibuyas |
½ | tasa | hiniwang kamatis |
½ | tasa | hiniwang karne ng baboy |
¼ | tasa | binalatang hipon |
1 | tasa | katas ng hipon |
½ | kutsarita | asin pantimpla |
½ | kutsarita | paminta pantimpla |
Paraan ng pagluto
baguhin- Painitin ang mantika sa kawali at igisa ang bawang, sibuyas at kamatis.
- Hayaang lumambot at pagkatapos ay idagdag ang karne.
- Papulahin.
- Isama ang hipon at ang katas.
- Pakuluin at saka ilagay ang repolyo.
- Timplahan ayon sa panlasa.
- Lutuin hanggang lumambot ang gulay.