Pagluluto:Repolyo Au Gratin
Sangkap
baguhin1 | piraso | maliit, matigas na buong repolyo |
1 | kutsarita | mantikilya |
2 | tasa | gatas |
4 | kutsara | harina |
4 | kutsara | mantika |
1 | kutsarita | asin |
2/3 | tasa | kinayod na keso |
½ | tasa | dinurog na tinapay |
Paraan ng pagluto
baguhin- Ibabad ang repolyo sa malamig, may asing tubig sa loob ng 15 minuto.
- Gayatin ng maliliit na piraso ang repolyo, alisin ang matigas na gitna.
- Ilagay sa kumukulong tubig, takpan, at lutuin sa loob ng 8-10 minuto.
- Lutuin ang puting sarsa, lagyan ng keso, lutuin hanggang sa matunaw ang keso.
- Alisan ng tubig ang repolyo, at ilagay sa isang lanera.
- Lagyan ng puting sarsa ang repolyo sa ibabaw.
- Budburan ng dinurog na tinapay sa ibabaw.
- Ihurno ng 25-30 minuto hanggang sa pumula ang ibabaw.