Pagluluto:Relyenong Talong
Sangkap
baguhin2 | piraso | talong, katamtamang laki |
3 | kutsara | mantika |
2 | butil | bawang, dinikdik |
1 | piraso | maliit na sibuyas, tinadtad |
1 | piraso | kamatis, tinadtad |
¼ | kilo | giniling na baboy |
2 | piraso | itlog |
½ | kutsarita | asin pantimpla |
½ | kutsarita | paminta pantimpla |
1 | tasa | arina |
1 | tasa | mantika pamprito |
Paraan ng pagluto
baguhin- Ihawin ang mga talong at pagkatapos ay balatan.
- Timplahan ng asin at paminta. Palaparin at itabi.
- Sa isang kawali, painitin ang mantika at igisa ang bawang, sibuyas at kamatis.
- Idagdag ang isang binating itlog at haluing mabuti.
- Hatiin ang giniling sa dalawang pinalapad na talong.
- Batihin ang natitirang itlog.
- Balutan ng itlog ang mga talong at budburan ng arina.
- Iprito hanggang mabuo.