Pagluluto:Relyenong Manok


Sangkap

baguhin
1 kilo buong manok
1 kutsarita katas ng kalamansi
1 kutsarita asukal
2 kutsara toyo

Palaman

baguhin
¾ kilo giniling na karne ng baboy
¼ tasa tinadtad na carrot
½ tasa tinadtad na hamon
¼ tasa pasas
4 piraso vienna sausage, tinadtad
¼ tasa ginadgad na keso
¼ tasa bread crumbs
¼ tasa pickle relish
5 piraso itlog
1 kutsarita asin
¼ kutsarita paminta
1 kutsarita asukal
2 kutsara liquid seasoning
1 piraso nilagang itlog, inapat
4 piraso vienna sausage
4 piraso carrot na hiniwang pahaba


Paraan ng pagluto

baguhin
  1. Ihanda ang manok para gawing relyeno.
  2. Tanggalin ang mga buto ng hindi hinihiwa ang balat.
  3. Kailangang manatili ang hugis ng manok.
  4. Ibabad ang manok sa kalamansi, asukal at tuyo.
  5. Itabi pansamantala.
  6. Paghaluing maigi ang susunod na 13 sangkap.
  7. Ipalaman ang kalahati sa loob ng manok.
  8. Iayos ng pahaba sa gitna ng manok ang hiniwang itlog, sausage at patatas.
  9. Punuin ng natitirang palaman.
  10. Tahiin ang manok sa dulong pinagpalamanan.
  11. Ibalot sa aluminum foil at ilagay sa baking pan na may ½ tasa ng tubig.
  12. Hurnuhin sa init na 350°F nang 1 oras o hanggang maluto.
  13. Buksan ang foil at pahiran ng mantikilya ang manok.
  14. Ituloy ang paghuhurno hanggang mamula ang balat.
  15. Palamigin bago hiwain.