Pagluluto:Ratatouille
Sangkap
baguhin¼ | tasa | olive oil |
1 | kutsara | tinadtad na bawang |
½ | tasa | hiniwang pakuwadradong sibuyas |
1 | tasa | inapat na kamatis (banlian, balatan at tanggalan ng buto bago apatin) |
½ | tasa | hiniwang pakuwadradong zucchini |
½ | tasa | hiniwang pakuwadradong talong |
½ | tasa | hiniwang pakuwadradong siling pula |
½ | tasa | hiniwang pakuwadradong siling berde |
¼ | tasa | tomato paste |
½ | tasa | sabaw ng manok |
1 | dahon | laurel |
1 | kutsara | oregano |
1 | kutsara | tinadtad na dahon ng basil |
¼ | kutsarita | asin |
¼ | kutsarita | paminta |
Paraan ng pagluto
baguhin- Painitin ang mantika at igisa ang bawang, sibuyas at kamatis.
- Sangkutsahin.
- Isama ang mga gulay at tomato paste.
- Lutuin ng 2 minuto.
- Isama ang natitirang mga sangkap.
- Timplahan.
- Lutuin pa ng 5 minuto.