Pagluluto:Putong Puti
Sangkap
baguhin3 | kutsarita | yeast o lebadura |
¾ | tasa | tubig |
2 | tasa | sinala na cake flour |
1 | tasa | asukal |
1 | kutsara | baking powder |
¼ | tasa | asukal |
1 | piraso | itlog na maalat (hinati sa 8) |
1 | piraso | ginadgad na keso |
Paraan ng pagluto
baguhin- Ihanda ang pasingawan at mga maliliit na muffin pan o hulmahan.
- Tunawin ang lebadura sa tubig.
- Paghaluin ang arina, asukal at baking powder.
- Ihalo ang tinunaw na lebadura.
- Sa mixer, batihin ang puti ng itlog hanggang sa soft peaks stage.
- Isama ang asukal at batihin hanggang malapot.
- Masinsing ihalo ang pinaghalong lebadura.
- Ibuhos sa hulmahan at isantabi nang 10-20 minuto.
- Paibabawan ng hiniwang itlog na maalat o ginadgad na keso.
- Magpakulo ng tubig para sa pasingawan.
- Pagkulo ay ilagay ang hulmahan ng puto.
- Pasingawan nang 10-15 minuto.
- Pahiran ng mantikilya bago ihain.