Pagluluto:Puto Caramba
Sangkap
baguhin½ | tasa | arina |
1 | tasa | maliit na hipon |
½ | tasa | cornstarch |
1 | tasa | pinipig |
½ | tasa | tubig |
1 | buo | sibyas, tinadtad |
1 | tasa | kalabasa, hiniwa ng manipis at pahaba |
1 | tasa | mantika para sa pagpiprito |
Sawsawan
¼ | tasa | suka |
1 | buo | bawang, pinitpit |
¼ | kutsarita | asin |
¼ | kutsarita | paminta |
Paraan ng pagluto
baguhin- Paghaluin ang arina, constarch at tubig, haluin hanggang lumapot.
- Ihalo ang mga natitirang sangkap maliban sa mantika. Haluing mabuti.
- Painitin ang mantika sa kawali.
- Kutsarahin at bilugin ng ayon sa gustong laki ang puto caramba at iprito ng lubog sa mantika.
- Iprito ito hangang maging maging kulay kayumangi at malutong.
- Ihain kasama ang sawsawang suka na may bawang, paminta at asin.