Pagluluto:Puto Bumbong

Sangkap

baguhin
2 tasa bigas na malagkit
6 kutsara pirurutong
4 tasa tubig
1 tasa kinudkod na niyog
2 kutsara mantikilya
2 kutsara asukal

Paraan ng pagluto

baguhin
  1. Hugasan ang malagkit at pirurutong at pagkatapos ay ibabad sa tubig nang 3-4 na oras.
  2. Gilingin hanggang pino. Patuyuin sa colander na sinapinan ng katsa.
  3. Kapag tuyo na ay salain.
  4. Para madaling matanggal ang puto, ibabad ang mga bumbong sa mantika at budburan ng ginadgad na niyog.
  5. Ihanda ang pasingawan ng puto bumbong.
  6. Punuin nang ¾ ang bumbong.
  7. Isalang hanggang maluto.
  8. Taktakin ang bumbong para lumabas ang puto.
  9. Pahiran ng mantikilya at paibabawan ng niyog at asukal.