Pagluluto:Pumpkin Curry Soup
Sangkap
baguhin2 ½ | tasa | sabaw ng manok |
2 ½ | tasa | gatas |
1 | tasa | hiniwang pakuwadradong kalabasa |
½ | kutsarita | asin |
½ | kutsarita | pamintang puti |
½ | kutsarita | curry powder |
½ | tasa | gata |
½ | kutsara | tinadtad na sibuyas na mura |
Paraan ng pagluto
baguhin- Sa kaserola, ilagay ang sabaw ng manok at gatas.
- Isama ang kalabasa at pakuluin.
- Hinaan ang apoy at lutuin hanggang lumambot ang kalabasa.
- Gilingin sa food processor o blender hanggang pumino.
- Ibalik sa kaserola at pakuluin.
- Timplahan.
- Isama ang curry powder at gata.
- Lutuin sa mahinang apoy ng 10 minuto
- Kung kinakailangan, palaputin ng tinunaw na cornstarch.
- Paibabawan ng sibuyas na mura.