Pagluluto:Puchero
Sangkap
baguhin1 | kilo | baka, hiniwa nang tig-2 pulgada pakuwadrado |
1 | tasa | chorizo de bilbao, prinito at hiniwa nang manipis |
4 | tangkay | dahon ng sibuyas, hiniwa nang tig-4 pulgada pahaba |
1 | tangkay | celery, hiniwa nang tig-4 pulgada pahaba |
2 | kutsarita | asin |
1 | piraso | maliit na repolyo, hiniwa sa 8 piraso |
2 | piraso | katamtaman laking patatas, binalatan at hiniwa nang pakuwadrado |
1 | tasa | baguio beans |
1 | tasa | garbanzos |
2 | ulo | bawang, pinitpit |
1 | piraso | katamtaman laking sibuyas, tinadtad |
½ | tasa | tomato sauce |
2 | kutsarita | mantika |
Paraan ng pagluto
baguhin- Pakuluan ang baka sa isang kaserola na may sapat na dami ng tubig sa loob ng 2 oras o hanggang ito'y lumambot.
- Hanguin ang karne.
- Ipagpatuloy ang pagpakulo ng sabaw ng baka.
- Ilagay dito ang patatas.
- Pakuluan muli ng 2-3 minuto.
- Idagdag ang baguio beans at repolyo.
- Maghintay ng 5 minuto.
- Sa isang maliit na kaserola, igisa ang bawang at sibuyas.
- Ihalo ang baka at tomato sauce.
- Pakuluan muli ng 5 minuto.
- Ibuhos ang sabaw.
- Idagdag ang garbanzos.
- Pakuluan nang 5 minuto muli.
- Hanguin ang baka at ilagay sa isang malaking mangkok.
- Iayos ang gulay sa mangkok.
- Palamutian ng chorizo sa ibabaw.
- Ibuhos ang nilutong sabaw.
- Ihain habang mainit. Mas masarap ang puchero kapag may kasamang ensaladang talong sa tabi nito.