Pagluluto:Potage Parmentier
Sangkap
baguhin½ | tasa | mantikilya |
1 | tasa | hiniwang sibuyas |
¾ | kilo | patatas, binalatan at hiniwang manipis |
¼ | kilo | leeks, tinadtad |
6 | tasa | sabaw ng manok o gatas |
1 | tasa | cream |
1 | kutsara | nutmeg |
½ | kutsarita | asin |
½ | kutsarita | pamintang puti |
Paraan ng pagluto
baguhin- Painitin ang mantikilya sa kaserola.
- Igisa ang sibuyas at patatas ng 2 minuto.
- Isama ang leeks at lutuin ng 3 minuto.
- lbuhos ang sabaw ng manok o gatas.
- Hayaang lumambot ang patatas.
- Palamigin ng bahagya at pagkatapos ay gilingin sa blender hanggang pumino.
- Ibalik sa kaserola at idagdag ang cream, nutmeg at pantimpla.
- Ihaing mainit na may parsley sa ibabaw.