Pagluluto:Pork with Prune and Apple Stuffing
Sangkap
baguhin1 ½ | kilo | buong lomo ng baboy |
½ | kutsarita | asin |
½ | kutsarita | paminta pantimpla |
¼ | tasa | tainadtad na bawang |
4 | kutsara | mantikilya |
¼ | tasa | tinadtad na sibuyas |
¼ | tasa | tinadtad na celery |
2 | tasa | breadcrumbs |
1 ½ | tasa | hiniwang prunes (wala ng buto) |
2 | tasa | hiniwang pakuwadradong mansanas |
1 | kutsarita | asin |
½ | kutsarita | paminta |
Paraan ng pagluto
baguhin- Hiwain ang lomo ng manipis na manipis hanggang lumapad na parang pang-morcon.
- Timplahan ng asin, paminta at bawang. Itabi pansamantala.
- Sa isang kawali, painitin ang mantikilya at igisa ang sibuyas at celery.
- Ihalo ang breadcrumbs.
- Alisin sa apoy at ihalo ang prunes, mansanas, asin at paminta.
- Ikalat ito sa ibabaw ng karne.
- Igulong ang karne para sumara at pagkatapos ay talian.
- Ilagay sa isang baking pan at lutuin sa oven na pinainit sa 450°F hanggang lumambot.
- Palamigin bago tanggalin ang tali at hiwain.