Pagluluto:Pork Cordon Bleu Choron
Sangkap
baguhin1 ½ | kilo | lomo ng baboy, hiniwa sa 10 bahagi |
10 | hiwang | hamon |
10 | hiwang | keso |
½ | kutsarita | asin |
½ | kutsarita | paminta pantimpla |
¾ | tasa | arina |
2 | piraso | itlog, binati |
1 | tasa | breadcrumbs |
¼ | tasa | mantika pamprito |
¾ | tasa | Bearnaise o Hollandaise sauce |
5 | kutsarita | tomato paste |
Paraan ng pagluto
baguhin- Pukpukin ng mallet ang bawat hiwa ng karne hanggang numipis at lumapad.
- Hatiin sa dalawang bahagi.
- Budburan ng kaunting asin at paminta.
- Maglagay ng hiwa ng hamon at keso sa 10 hiwa ng karne.
- Takpan ng nalalabing mga hiwa ng karne.
- Pabalutan ng arina ang mga pinalamang karne at igulong sa binating itlog.
- Igulong uli sa breadcrumbs.
- Magpainit ng mantika at prituhin ang mga karne hanggang maluto.
- Paghaluin ang Beamaise o Hollandaise sauce at tomato paste.
- Ihaing kasama ng piniritong karne.