Pagluluto:Poached Eggs Benedict
2 |
tasa |
tubig
|
1 |
kutsarita |
suka
|
12 |
piraso |
itlog
|
12 |
hiwa |
tinustang tinapay
|
12 |
piraso |
hiwang hamon, pinirito
|
¾ |
tasa |
Hollandaise sauce
|
1 |
tasa |
mantikilya
|
4 |
piraso |
pula ng itlog
|
1 |
kutsara |
tubig
|
1 |
kutsara |
katas ng lemon
|
½ |
kutasrita |
asin
|
½ |
kutsarita |
pamintang puti
|
- Ilagay ang tubig at suka sa kaserola.
- Pakuluin at pagkatapos ay hinaan ang apoy.
- Magbiyak ng isang itlog sa platito at dahan-dahang ihulog sa mainit na tubig.
- Lutuin hanggang mabuo o lumutang.
- Ahunin ng slotted spoon at patuluin ang sobrang tubig.
- Ulitin ang ganitong pamamaraan para sa lahat ng itlog.
- Magdagdag ng mainit na tubig kung kailanganin.
- Maglagay ng isang hiwang ham sa bawat hiwa ng tinustang tinapay.
- Ipatong ang nalutong itlog.
- Paibabawan ng isang kutsarang Hollandaise sauce.
- lhain ng mainit.
- Tunawin ang mantikilya.
- Isantabi para humiwalay ang dilaw sa puting bahagi.
- Isalin ang dilaw na bahagi sa isang lalagyan, ito ang tinatawag na clarified butter.
- Itabi ang puting bahagi sa repridyerator para sa ibang pagluluto.
- Ilagay ang pula ng itlog at tubig sa stainless na mangkok.
- Ipatong ito sa kaserola na may kumulong tubig.
- Batihin ng wire whisk hanggang fluffy at halos maluto na.
- Alisin sa apoy at dahan-dahang ibuhos ang clarified butter hahang tuloy-tuloy na binabati.
- Timplahan ng katas ng lemon, asin at paminta.