Pagluluto:Pinalutong na Kangkong

Sangkap

baguhin
1 tali kangkong
1 piraso itlog
1 tasa malamig na tubig
1 ½ tasa cornstarch
½ tasa arina
½ kutsarita asin
¼ kutsarita paminta
½ tasa mantika

Paraan ng pagluto

baguhin
  1. Tanggalin ang mga dahon ng kangkong.
  2. Hugasan at patuyuin.
  3. Gamitin ang mga tangkay sa ibang pagluluto.
  4. Sa isang mangkok, batihin ang itlog.
  5. Idagdag ang tubig, cornstarch. arina, asin at paminta.
  6. Haluing maigi.
  7. Painitin ang mantikang pamprito.
  8. Isa-isang ilubog ang mga dahon sa pinaghalong batter.
  9. IIadlad ang mga dahon bago ihulog sa mantika.
  10. Iprito hanggang lumutong.
  11. Patuluin.