Pagluluto:Peppered Steak with Mushroom Sauce
Sangkap
baguhin1 | kilo | lomo ng baka, hiniwang pang-steak |
½ | kutsarita | asin |
2 | kutsara | tinadtad na bawang |
½ | kutsarita | paprika |
6 | kutsara | dinurog na pamintang buo |
¼ | tasa | mantika |
6 | kutsara | mantikilya |
½ | tasa | hiniwang sibuyas |
½ | tasa | hiniwang mushrooms |
6 | jigger | red wine |
½ | tasa | thyme |
3 | tasa | brown sauce |
Paraan ng pagluto
baguhin- Timplahan ng asin ang baka.
- Pahiran ng bawang at paprika.
- Ilagay ang pamintang durog sa isang pinggan.
- Ipagulong dito ang mga hiniwang karne.
- Magpainit ng kaunting mantika sa kawali at iluto dito ang steak ayon sa nais na pagkaluto.
- Maari ring ihawin ang steaks sa baga.
- Painitin ang mantikilya sa kawali at igisa ang sibuyas at mushrooms.
- Sangkutsahin.
- Isama ang red wine at thyme.
- Pakuluin ng 2 minuto bago isama ang brown sauce.
- Lutuin pa ng ilang minuto bago ibuhos sa ibabaw ng nalutong steaks.