Pagluluto:Pechay Guisado

Sangkap

baguhin
½ kilo pechay tagalog
2 kutsara mantika
3 butil bawang, tinadtad
1 piraso maliit na sibuyas, tinadtad
1 ½ kutsarita luya, tinadtad
½ kutsarita paminta pantimpla
½ kutsarita patis pantimpla
½ tasa tubig o sabaw (ng baboy)

Paraan ng pagluto

baguhin
  1. Paghiwalayin ang tangkay at dahon ng pechay.
  2. Hugasan at patuluin.
  3. Putulin ng 1" ang haba.
  4. Sa kawali, painitin ang mantika at igisa ang bawang, sibuyas at luya.
  5. Idagdag ang tangkay ng pechay. Igisa ng 2 minuto.
  6. Isama ang mga dahon.
  7. Timplahan ayon sa panlasa.
  8. Ibuhos ang tubig.
  9. Pakuluan at lutuin hanggang lumambot ang gulay.