Pagluluto:Pecan Pie
Sangkap
baguhinCrust
baguhin1 ½ | tasa | arina |
1 | kutsarita | asin |
⅔ | tasa | shortening |
¼ | tasa | malamig na tubig |
1 | puti ng itlog, bahagyang binati |
Pecan Filling
baguhin¼ | tasa | mantikilya |
¾ | tasa | brown sugar |
4 | piraso | itlog |
½ | tasa | corn syrup |
1 | kutsarita | vanilla |
1 ½ | tasa | pecan |
Paraan ng pagluto
baguhin- Painitin ang oven sa 400°F.
- Maghanda ng isang 9-inch pie plate.
- Sa mangkok, paghaluin ang arina at asin.
- Ihalo ang shortening hanggang maging butil-butil ang arina.
- Magdagdag ng sapat na tubig para mabuo ang masa.
- Padaanan ng rolling pin ang masa para numipis.
- Panipisin sa hugis at laki ng pie plate.
- Iayos sa pie plate.
- Tusuk-tusukin ng tinidor ang masa.
- Isalang sa oven ng 10-15 minuto.
- Ilabas at pahiran ng binating puti ng itlog.
- Itabi pansamantala.
- Sa hiwalay na mangkok, batihin ang mantikilya hanggang lumambot.
- Ihalo ang asukal.
- Isa-isang isama ang itlog at batihing maigi.
- Idagdag ang corn syrup at vanilla.
- Ibuhos sa nalutong crust.
- Iayos ang mga pecan sa ibabaw.
- Takpan ng aluminum foil ang mga gilid ng crust para hindi matusta.
- Lutuin sa oven ng 30-40 minuto o hanggang wala ng dumidikit sa toothpick na tinusok sa gitna nito.
- Alisin ang aluminum foil at papulahin ang crust.
- Palamigin bago hiwain.