Pagluluto:Paupiette of Beef
Sangkap
baguhin1 ½ | kilo | karne ng baka, hiniwang manipis sa 20 piraso |
½ | tasa | mustard |
5 | piraso | dill pickles, inapat ng pahaba |
20 | piraso | carrots na hiniwang pahaba |
5 | piraso | nilagang itlog, inapat ng pahaba |
1 | tasa | mantika |
1 | kutsara | mantikilya |
1 | tasa | tinadtad na sibuyas |
1 | tasa | tinadtad na carrots |
1 | tasa | tinadtad na celery |
1 | tasa | tinadtad na leeks |
¼ | tasa | tomato paste |
½ | tasa | red wine |
4 | tasa | brown sauce |
4 | tasa | brown stock |
1 | dahon | laurel |
1 | kutsara | pamintang buo, dinurog |
1 | kutsara | thyme |
Paraan ng pagluto
baguhin- Pukpukin ng mallet ang hawat hiwa ng karne hanggang numipis at lumapad.
- Timplahan ng asin at paminta.
- Pahiran ng mustard.
- Sa bawat piraso ng karne, maglagay ng tig-iisang hiwa ng pickles, carrots at itlog.
- Bilutin at isara ng toothpick.
- Sa kawali, painitin ang mantika at mantikilya.
- Papulahin ang binilot na karne.
- Alisin at isantabi sa isang pinggan.
- Sa natirang mantika, igisa ang sibuyas, carrots, celery at leeks.
- Isama ang tomato paste.
- Sangkutsahin.
- Ibuhos ang red wine, brown sauce at brown stock.
- Idagdag ang laurel, paminta at thyme.
- Timplahan ng asin.
- Pakuluin minsan at pagkatapos ay hinaan ang apoy.
- Ilagay ang pinapulang karne.
- Takpan at isalang hanggang lumambot ng husto ang karne.
- Tanggalin ang mga toothpick bago ihain.