Pagluluto:Pata Tim

Sangkap

baguhin
1 ½ kilo pata ng baboy
2 kutsara toyo
1 tasa mantikang pamprito
2 butil bawang, tinadtad
50 gramo tuyong pusit, binabad sa tubig at hiniwa
2 kutsara oyster sauce
1 kutsara rice wine
1 kutsara patis
2 kutsara cornstarch
1 tasa tubig
½ kutsarita sesame oil
1 kutsara toyo
1 piraso letsugas o petsay baguio, hiniwa

Paraan ng pagluto

baguhin
  1. Sa kaserola, pakuluan at palambutin ang pata sa tamang dami ng tubig.
  2. Hanguin at itabi ang pinaglagaan.
  3. Pahiran ng toyo ang pata at iprito sa mainit na mantika hanggang pumula.
  4. Sa kaserola, magpakulo ng tubig at ihulog ang pata para matanggal ang mantika.
  5. Hanguin at tanggalin sa buto.
  6. Ilagay ang laman sa isang baking dish o pinggan.
  7. Magpainit ng mantika.
  8. Igisa ang bawang at pusit.
  9. Ipaibabaw sa pata.
  10. Paghaluin ang oyster sauce, rice wine, patis, cornstarch na tinunaw sa tubig, sesame oil at toyo.
  11. Ibuhos sa pata.
  12. Pasingawan nang isang oras o hanggang maluto.
  13. Igisa ang letsugas o petsay sa kaunting mantika.
  14. Iayos sa isang bandehado.
  15. Paibabawan ng nalutong pata tim.