Pagluluto:Pastillas de Gabi
Sangkap
baguhin2 | tasa | murang gabi, laga na at tinadtad |
1 | lata | gatas na kondensada (300 mL) |
1 | tasa | pinung asukal (confectioner's sugar) |
½ | tasa | asukal (ordinaryo) |
Paraan ng pagluto
baguhin- Paghaluin ang gabi at gatas sa kondensada at iblender hanggang maging pino.
- Ilagay sa kawali at iluto sa mahinang apoy.
- Pag malapot na, ilagay ang pinung asukal (confectioner's sugar)
- Ituloy ang pagluluto hanggang sa ito ay halos manuyo na.
- Isalin sa bandehado na pinahidan ng mantikilya. Hiwain sa nais na laki.
- Pagulungin sa asukal (ordinaryo).
- Ihain o ibalot sa cellophane.