Pagluluto:Pastel de Lengua


Sangkap

baguhin

Pastry

baguhin
2 ½ tasa arina
¾ tasa mantikilya
8 kutsara cream
eggwash

Palaman

baguhin
¼ tasa olive oil
1 piraso malaking sibuyas, tinadtad
2 piraso katamtamang laki na carrot, hiniwang pakuwadrado
4 piraso katamtamang laki na patatas, hiniwang pakuwadrado
½ tasa button mushrooms
2 kilo nilagang dila ng baka, hiniwang pakuwadrado
2 piraso chorizo bilbao, hiniwa
2 tasa pinaglagaan ng dila
2 kutsara arina na tinunaw sa 1 tasa tubig
½ tasa ginadgad na keso
½ tasa green olives
1 lata vienna sausage, hiniwa

Paraan ng pagluto

baguhin
  1. Ilagay ang arina sa mangkok at ihalo ang mantikilya.
  2. Magdagdag ng sapat na cream para makabuo ng masa.
  3. Ibalot sa plastik at itabi pansamantala sa repridyerator.
  4. Sa kaserola, painitin ang mantika at igisa ang sibuyas.
  5. Idagdag ang carrot, patatas, mushroom, dila at chorizo.
  6. Ibuhos ang sabaw at pakuluan.
  7. Palambutin ng husto.
  8. Palaputin ang sabaw ng tinunaw na arina.
  9. Isama ang keso, olives at sausage.
  10. Isalin sa baking dish.
  11. Kunin ang pastry o masa sa repridyerator.
  12. Panipisin ng rolling pin sa hugis at laki ng ibabaw ng baking dish.
  13. Itakip sa baking dish at pindutin sa gilid para kumapit at sumara.
  14. Pahiran ng eggwash.
  15. Tusukin ng tinidor ang ibabaw at pagkatapos ay ihurno sa 375°F nang 20 minuto o hanggang pumula ang crust.

Para sa paglaga ng dila

baguhin
  1. Banlian ang dila sa kumukulong tubig nang 10-15 minuto.
  2. Balatan.
  3. Pakuluan sa sapat na tubig.
  4. Itapon ang pinagkuluan at palitan ang tubig.
  5. Isalang muli ang dila kasama ng sibuyas, asin, pamintang buo at laurel.
  6. Lutuin hanggang lumambot.
  7. Palamigin at hiwaing pakuwadrado.
  8. Salain ang sabaw bago gamitin.