Pagluluto:Pansit Sotanghon


Sangkap

baguhin
tasa mantika
2 kutsarita tinadtad na bawang
1 piraso sibuyas, tinadtad
2 piraso pitso ng manok, nilaga at hinimay
¼ kilo hipon, binalatan
1 kutsarita patis
¼ kutsarita paminta
2 piraso carrot, hiniwang julienne
1 piraso maliit na ulo ng repolyo, ginayat
1 tasa sitsaro
½ tasa tengang daga, binabad sa tubig hanggang lumambot
6 tasa sabaw ng manok
½ kilo sotanghon, binabad sa tubig nang 10 minuto hanggang lumambot
1 tasa tinadtad na sibuyas na mura

Paraan ng pagluto

baguhin
  1. Painitin ang mantika sa kawali.
  2. Igisa ang bawang, sibuyas, manok at hipon.
  3. Sangkutsahin at timplahan.
  4. Idagdag ang mga gulay, tengang daga at sabaw.
  5. Pakuluin at isama ang sotanghon.
  6. Lutuin hanggang matuyo at maluto aug sotanghon.
  7. Paibabawan ng sibuyas na mura.