Pagluluto:Pansit Palabok

Sangkap

baguhin

Pansit

baguhin
8 tasa tubig
1 tasa toge
½ kilo bihon, binabad sandali sa tubig
2 Bahaha mantika
2 kutsara atsuete
2 tasa katas ng hipon
6 kutsara arina
½ tasa tubig
1 kutsarita asin
1 kutsarita paminta pantimpla

Palabok

baguhin
1 tasa nilagang karne ng baboy, hiniwang pahaba
2 piraso tokwa, pinirito at hiniwang pakuwadrado
½ tasa hinimay na tinapa
½ tasa dinurog na sitsaron
2 piraso itlog, nilaga at hiniwa
½ tasa hipon, nilaga at binalatan
½ tasa tinadtad na sibuyas na mura
1 kutsara prinitong bawang
8 piraso kalamansi

Paraan ng pagluto

baguhin

Pansit

baguhin
  1. Mapakulo ng tubig sa kaserola.
  2. Ilagay ang toge sa salaan at ipatong ang bihon.
  3. Ilubog sa kumukulong tubig at hayaang lumambot.
  4. Patuluin.
  5. Isalin sa bandehado.
  1. Sa isang kaserola, ipainit ang mantika kasama ng atsuete.
  2. Lutuin hanggang pumutok ang mga buto at magkulay pula ang mantika.
  3. Ibuhos ang katas ng hipon at pakuluin.
  4. Itunaw ang arina sa tubig.
  5. Ibuhos ang tinunaw na arina.
  6. Hayaang kumulo at lumapot.
  7. Timplahan ng asin at paminta ayon sa panlasa.

Paghahanda

baguhin
  1. Ibuhos ang sarsa sa ibabaw ng pansit.
  2. Ilagay ang mga karne at tokwa sa ibabaw ng pansit.
  3. Budburan ng tinapa at sitsaron.
  4. Adornohan ang sibuyas na mura at bawang.
  5. Ihaing may kasamang kalamansi.