Pagluluto:Pansit Canton
Sangkap
baguhin¼ | kilo | hipon, binalatan pero iniwan ang buntot |
1 | buong | puti ng itlog |
2 | kutsara | cornstarch |
1 | piraso | pitso ng manok, tinanggalan ng buto at hiniwang pahaba |
3 | kutsara | mantika |
3 | butil | bawang, dinikdik |
1 | piraso | sibuyas, tinadtad |
2 | piraso | atay ng manok, niluto at hiniwa |
1 | kutsara | patis |
1 | kutsarita | asin |
1 | kutsarita | paminta |
1 | tasa | toyo |
1 ½ | tasa | sabaw ng manok |
1 | ulo | cauliflower, pinira-piraso |
¼ | tasa | sitsaro |
⅓ | tasa | kutsay |
1 | piraso | karot, hiniwang pabilog |
2 | kutsara | cornstarch |
¼ | tasa | tubig |
1 | balot | canton noodles |
Pagluluto ng Pansit Canton
baguhin- Batihin ang puti ng itlog at cornstarch.
- Ipagulong ng magkahiwalay ang hipon at manok. Itabi.
- Tunawin ang cornstarch sa ¼ tasa ng tubig. Itabi.
- Sa isang kawali, painitin ang mantika at igisa ang bawang at sibuyas.
- Idagdag ang manok, hipon at atay.
- Pakuluin.
- Timplahan ang patis, asin, paminta at toyo ayon sa panlasa.
- Hayaang pumula.
- Ibuhos ang mga gulay at hayaang lumambot ng bahagya.
- Palaputin ng tinunaw na cornstarch kung kinakailangan.
- Isama ang canton.
- Lutuin hanggang lumambot.