Pagluluto:Pandan Cake
Sangkap
baguhinChocolate Pinipig Crunch
baguhin50 | gramo | milk chocolate |
1 | kutsarita | mantikilya |
1 | tasa | tinustang pinipig |
Pandan Water
baguhin4 | dahon | pandan |
2 | tasa | tubig |
Cake
baguhin1 ¼ | tasa | cake flour/harina |
1 ½ | kutsarita | baking powder |
½ | kutsarita | asin |
6 | kutsara | asukal |
¼ | tasa | mantika |
4 | piraso | itlog (hiniwalay ang pula sa puti) |
6 | kutsara | pandan water (haluan ng kaunting berdeng food color ayon sa nais) |
¼ | kutsarita | cream of tartar |
6 | kutsara | asukal |
Buttercream Filling
baguhin1 | tasa | asukal |
1 | tasa | whipping cream |
2 | kutsara | berdeng food color |
1 | tasa | pandan water |
1 | tasa | mantikilya |
Paraan ng pagluto
baguhin- Tunawin ang chocolate at mantikilya.
- Ihalo ang pinipig at itabi.
- Sa kaserola, pakuluan ang pandan at tubig hanggang bumango.
- Palamigin.
- Painitin ang oven sa 350°F.
- Maghanda ng dalawang 9-inch na bilog na pan.
- Sa mangkok, salaing magkasama ang cake flour/harina, baking powder, asin at asukal.
- Ihalo ang mantika, pula ng itlog at pandan water.
- Haluin hanggang pino.
- Batihin ang puti ng itlog at cream of tartar hanggang soft peaks stage.
- Idagdag ang asukal at batihin hanggang stiff peaks stage.
- Masinsing ihalo ang binating pula ng itlog.
- Ibuhos sa dalawang pan at isalang sa oven nang 30 minuto o hanggang maluto.
- Baligtarin sa wire rack at palamigin.
- Tanggalin sa pans.
Paghahanda ang icing
baguhin- Paghaluin ang asukal, cream, food color at pandan water.
- Palamigin.
- Sa mixer, batihin ang mantikilya hanggang lumambot.
- Dahan-dahang ibuhos ang pinalamig na mga sangkap.
- Batihin hanggang pino.
Pagsasaayos ng cake
baguhin- Ilagay ang isang cake sa pinggan o tray.
- Lagyan ng kaunting icing ang ibabaw.
- Paibabawan ng pinipig crunch.
- Ipatong ang isa pang cake.
- Takpan ng icing ang gilid at ibabaw ng cake.
- Palamutian ng pinipig crunch.
- Palamigin bago ihain.